may bago nakong tawag kay eboy a.k.a. chuo [shih tzu namin]. yun yung KISMET :] parang baduy nga ee pero basta pag pinakilala mo sya sa iba gamit yung bago nyang alias na yun, parang ang coolness. haha!
Dzeli: Hi, this is Kismet, my dog.
Tao: Wow, you named your doggie, Kismet?! Cool.
hindi naman ako naka-droga nung naisip ku yun. dala siguro to ng weirdo kong panaginip.. di ayun nga, sa kakaisip ko siguro dun sa HK trip na yun [jusko, sana hindi ito isang senyales], napaniginapan ko na! ang kaso, dun sa panaginip ko, hindi skin sumama si beb. basta parang tinext nya lang ako nun na hindi sya skin sasama ee. tas iyak nako ng iyak. akala ku talaga tutuo na yun, kase hanggang paggising ko umiiyak ako ee. ewan ku lang kung yung basa dun sa unan ko luha o laway. ai shitt, ang freaky talaga. yung laway aa, hindi yung panaginip :]
ang init. dapat nasa talisay [batangas] kami ngayun ee, kaso yung tito ko na tutuluyan namin don nasa my antipolo pa daw.. gustu pa naman naming mag-beach hopping ni achii :[ kakainis talaga. bukas sa trece naman kami, after siguro magsimba. may bonding kaming magkakababata duon.. sabi ni imhay, ipaghahanda nya daw kami ng bonggang-bonggang leche flan. natatawa talaga ko dun sa 'bonggang-bongga' na yun. pero infairness, masarap syang pakinggan, haha! naku iniiCp ko palang naglalaway nako, hee :]] type ko sana ng cake ngayun, kaso naalala ko yung ipapadeliver skin ni beb, puro chicken at spaghetti pala yun.. nung tinanung nya kase ko kung anung type kong kainin, sabi ko lang kahit ano. ee ngayun ko lang naalala, cake pala talaga ang gustu kong kainin!! nakakainis talaga. pero di bale, yayakagin ko nalang sina yanners at wewei sa bahay dahil di namin kayang upakan ni chuo yung 6pcs na chicken at 6pcs na spaghetti at 6pcs na pie no! pagkatapos ko sa thesis, bubulabugin ko na sina mars at chaksito ku para sa isa na namang digman espesyal, yahoo! :]]
PS naiinggit ako sa tita ko, wala syang cake, pero nasa quezon sila. yung spot kung saan merun talagang mga nagpapapako pag semana santa.. gustu ku rin sanang ma-experience yun. prolly, next semana santa nalang :]
Saturday, March 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment