kumbaga, hindi kumpleto ang pagka-pinoy mo kung di ka pa nakakapag-videoke. promise, diba?
--
nagising ako 8.30am :] antok pa talaga ako kasi naman 2am na ko natulog nung nakaraang gabi-slash-umaga, kakakausap kay beb. nag-ayus ng onte, tas pumunta na kaming trece. may reunion kasi kaming magkakababata dun :] excited talaga kmi ni achii, lalu na dun sa bonggang-bonggang leche flan! haha. ayun, iniwan ku muna si kismet kay mama tas lumayas na kami. trece-bayan pa yung nasakyan namin, panu naman tung si achii, nagmarunong na naman sa direksyon. si manong driver naman, alam ng di pala aabot yun sa destinasyon namin, di pa sinabe. anduga talaga. pag baba naming trece, sumakay pa tuloy kami ngindang ule.. tas after siguro mga ten minutes, nasa regina ville na kame. bumili muna kaming ice cream bago pumasok ng gate. natanaw ku na agad si eric, coolness talaga, tagal ku ng di nakita yun. haha :] after two minutes, dumating na si bhe, ang pinsan kong maganda. kasama xa syempre sa "tropang salitran". patawa talaga yung pauso ni imhay na yun! haha :] ayun, naglakad na kame tas dun na sa bahay nila imhay my tent na na tinatayo, akala namin reunion lang talaga ee, yun pala bday din ni tita diday, yung mama nila imhay! nakakahiya talaga. pero ang masaya dun, bonggang-bonggang handaan pala sya at hindi lang bonggang-bonggang leche flan. grabe, andami talaga ng nakain namin dun, pramis. after nun, binalak naming pumunta sa ilog. yun yung dati naming binababa magkakababata nun ee.. kaso dahil nga buntis si bhe, di kami makakababa, kaya hanggang tingin lang kame. next time nalang kami maliligo :] grabe, malinis talaga ilog dun xaka talagang dinadayo :]] napagdesisyonan naming mag-bidyoke nalang. xempre yung mga malulupit na naman kinanta ko. personal favorite ko na si tina arena ngayun dahil sa mga kanta nyang pang-bidyoke piece. haha :] cool. IF I DIDN'T LOVE YOU! oha. after nun, nagpicturan na kame, masayang-masaya talga, swear! lalu na yung mga "muling-ibalik" part, haha.

ai, me nag-ka-crush pa pala skin dun, comedy nga ee. ayun, sabi ko me jowa nako xaka wala ko celphone, haha. kumusta naman no, kahit wala yata akung boyfriend, ligawan ka sa text? ai, yun ang bongga! anyway, di umuwi na kame.. mejo ngmamadali talaga ko umuwi kase may usapan kami ni chaksito ko na sa dorm ko sya matutulog ngayung araw na to. ee kahit na nasa salitran ako umuuwi, syempre pagbibigyan ko sya, kesa naman ma-late sya sa meeting sa school kinabukasan, 8am pa naman yun. hell-O, cavite city, db?! pero dahil "spontaneous" nga ang mga tao sknila, bigla xang ngtext at niyaya daw ako nila mama cherry na magswimming. syempre, go ako! sa indang pa nga yung unang location, kaya go talaga ko kase nga nasa trece ako, malapit lang. tas maya-maya, sa postema nalang daw pala. so, instead na umuwi pako sa dorm para kumuha ng clothes, bumili nlng muna ko sa SM dasma. anyway, i find it a lot easier for me kase :] around 7pm nako nakasakay ng bus papuntang SM bacoor, ok lng kase night swimming naman kame. kasabay ko pa rin naman si achii nun, balik na kasi xang dorm, malapit na kasi start ng internship nya. mejo paranoid nako sa baby bus. naisip ko kase bigla yung ngyareng holdap nun ke kuya pol.. naku talaga, inisip ko na kung anu mga ibibigay ko kung sakali, haha! after one hour, nasa postema nako. syempre, sinundo ako nila papa charlie at chaksito ko sa gate, nilibre nila ako :]] salamat naman. napakasaya talaga, kase napilit ko si chaksito na lumangoy. nag-PE class flash back kame.. wala na daw kasing maalala si chaksito, haha! ang pinaka-highlight nun sa pool, yung nag drama class kame: TITANIC. si chax si rose, C charisse C jack, ako yung my pinaka-importanteng role, yung nasa banggka na magliligtas ke rose :]] andun na kame sa scene na "[husky voice] jack, there's a boat!" panalo talaga si chaksito kanina. after nun, nag-bidyoke na naman kame walang kamatayan! cool talaga. tas nung lumayas na kame, mas cool pa pala yung sasakyan namen! mga refugee kame ee, hanep :]

ngayon, ngkabaliktad na, ako na naman ang nandito sa kanila. tulog na sya :]
basta masaya talaga ang araw na ito dahil, salamat kay Papa God, nakasama ko ang aking mga kababata at nakasama ko ang pamilya ni chaksito sa isang malupit na outing!
PS napatunayan kong napakataas ng boses ni papa charlie
PPS napatunayan kong kaya rin ni mama cherry ang trademark pose ni chaksito

PPS magingat sa mga exhibitionist. nabiktima na naman ako knina, freaky talaga at nanginig talaga ako sa takot. sya ai literal na nag-mas****a** sa aking harap at sa sobrang takot ko, tinext ko ang achii ko para makalipat kami ng pwesto o makababa na kami agad. pangalawang beses ku na tong nabiktima ng ganyan, bakit ba ako lapitin ng mga exhibitionist? hindi naman ako pornstar.
antok nako dami pa sana ko kwento, bukas ku na lagay mga pics :]
No comments:
Post a Comment