--
dahil nag-panic na si beb sa sakit ko, tinext na nya si mama na ipa-chek up nako..
8am ginising nako ni mama, around 8.30 na kame nakaalis.. pumunta kaming WELLCARE CLINIC AND LABORATORY sa may malapit sa villa isabel.
Mama ko: papa-check up ko sana sya.. [sabay turo sakin]
Attendant: anu pong ipapa-check up nyo, ma'am?
Mama ko: hindi ko nga alam ee, kaya nga kami papa-check up..
Attendant: ok, pakipirmahan nyo po muna itung mga to.. [sabay abot ng information sheet]
ang labo talaga nung attendant. di ba kaya ka nga papa-check up kase di mo alam kung anung mali sayo?? anyway, ayun. naghintay muna kami til 9.30 kase by that time pa daw dadating yung doctor. naghintay kami ni mama sa waiting area, tas kung anu-anu ng napagkwentuhan namin.. mga posibleng sakit ko, posibleng sakit nya, posibleng sakit ko ule tas yung posibleng sakit naman nya uli. haha :] nung 9.30 na, tinawag na kami sa room nung doctor. usual tanung-tanong ung anun nararamdaman, inhale-exhale procedure.. tas yung nakakatawang part nung iche-check na nya yung tonsils ko.. ee diba nga may tongue pierce ako?
Doctor: sige, open your mouth na.
Dzeli: tatanggalin ku pa po ba to?
Doctor: huh? ang alin?
Dzeli: yung pierce ko po..
Doctor: ang alin?
Mama ko: my tongue pierce ho kase xa.
Doctor: aa.. ok lng, wag na. *smiles*
after ilang minuto, kinilabutan ako sa sinabi nung doctor, punta daw muna kami sa front desk tapos kuha kami ng form kase papa-laboratory nya daw yung dugu ko. ai shet, ayuko tlga nun. talagang kinakabahan ako. ayuko talaga nagpapakuha ng dugo, haha! pero after 5minutes, nakaupo nako sa laboratory. sa middle finger ako kinuhanan ng dugo, xempre hindi ako tumingin.. naalala ko yng pelikula na pinanuod ni sir elvin samin nuon sa media prod, yung KIDS. ai grabe, nagpa-check up sya tapos may STP pala sya. kumusta naman yun?! pero xempre wala kong STD, pano ko magkakaganun?? di ko ma-imagine. haha :] anyway, bumalik daw kami after an hour kase dun pa makikita resulta.
binayaran na muna namin ni mama yung bills tapos pumunta kami munang villa isabel at nicasia para mag-dorm hunting :] marami kaming nakit pero peburitss ko yung kela ate twinkle. ambait kase nya at napakaganda nung room, 5k nga lang. mejo mahal para sa amin ni beb. ee kase naman, isa lng ang pera naming dalawa, kaya namamahalan ako. kung may ksama ka at bukod ang pera nyo, mura na Ung ganung kaganda! ayun, hanggang ngayon, pinagiisipan parin namin.. ayaw naman kase ni mama dahil nga sayang daw yung pwede naming matipid. hanap mode nalang muna kami uli tom :]
--
mejo nagui-guilty nga pala ako ke puppy rye. ee kase ininvite nya kame sa rampa nila nung nakaraan, tapos naman pumayag ako kaso hindi makakapunta si wewei kase nasa mandaluyong sya kaya hindi rin ako natuloy. nangonsensya pa tung si puppy rye dahil kami daw una nyang naisip at tlgang ni-reserve nya pa smin ang front seats..

anyway, in-edit ko nlng xa ng pic para consuelo :] haha.
pic namin yan nung nag-hyper kwentuhan kami sa dorm ko at nag-tapsi kami til past 4 in the morning :] ayun..
--
nagpapasama nga pala yung pinsan kong preggy sa check-up nya sa friday, libre naman ako kaya sasamahan ko na sya. excited nako sa magiging baby nya, nagpaalam nako na hihiramin namin aminsan yun ni beb, hihi :]
--
ayun nakalimutan kong ikwento yung resulta ng laboratory test.. my viral infection pala ako at influenza. at napatunayan ko ng hindi pala ako anemic gaya ng hinala ko! coolness :] after nga pala sa clinic ai nag-SM ako. kumain lang ako sandali sa burger king habang si mama naman ai pumunta na kay achii sa UST. tapos, naglibot lang ako ng konti.. umuwi narin ako sa bahay ng around 5pm. sa dorm sana ako uuwi kaso naman nakalimutan ko yung thesis namin ni wewei sa bahay kaya gigising nalang ako ng maaga bukas para ihatid si chuo sa dorm at magpalit ng damit at mag-enroll. sana wala masyadong tao bukas :]]
No comments:
Post a Comment